Trader inutas sa loob ng bahay
MANILA, Philippines - Patay ang isang junkshop owner at presidente ng isang homeowners association matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki habang ang una ay kumakain ng almusal kahapon ng umaga sa Malabon City.
Kinilala ang biktimang si Ernesto Gulfo, alyas Militar, 52, ng Gov. Pascual Avenue, Sitio 6, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod. Dead on arrival ito sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre 45 na baril sa dibdib.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek at nagsasagawa pa ng follow-up laban dito.
Naganap ang insidente dakong alas-7:10 ng umaga habang ang biktima ay kumakain ng almusal sa loob ng kanyang bahay nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin ito.
Matapos ang insidente ay parang walang nangyaring tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa naturang pagamutan subalit hindi na rin ito umabot ng buhay.
- Latest
- Trending