^

Metro

Iwas-hawa sa TB... Infirmary, Isolation ward itinayo sa QC Jail

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tuluyan nang mababawasan ang pagkalat ng sakit na tuberculosis (TB) sa mga presong nakapiit sa Quezon City Jail sa pamamagitan ng pagbubukas ng bagong infirmary at isolation ward para sa mga presong tinamaan ng nasabing sakit.

Ayon kay Quezon City Warden Joseph Vela, ang limang kuwarto ng infirmary, na itinayo nitong nakaraang Disyembre, 2011, ay inilaan para sa pasyente na may TB sa ilalim ng kategoryang 4, 2 at 1. 

Ang bawat pasyente ay may nakalaang kama, personal na kabinet, at upuan, habang ang bawat selda ay may inilaan ding comfort room, lavatory, blower at 2 Ultra Violet (UV) lights para i-sanitize ang hangin.

Nabatid na ang jail infirmary sa QC, na kauna-unahang controlled jails ng BJMP, ay mayroong medical office na inilaan para sa personnel at nurse na mangangalaga sa mga pasyente sa infirmary. 

Mayroon itong medicine cabinets, comfort room, lavatory, refrigerator para sa mga gamot, water dispenser, executive chairs, push cart para sa mga gamot at UV lights para protektahan ang personnel mula sa pagkahawa ng PTB bacilli.

Samantala, ang naturang infirmary ay pinasinayaan nitong Sabado kung saan dumalo sa turn-over ceremony sina BJMP-NCR Director S/Supt. Romeo Vio, Officer-in-Charge C/Supt. Diony Mamaril at World Health Organization (WHO) Western Pacific Regional Office Medical Officer Dr. Katsunori Osuga.

Sa kasalukuyan, ang QC jail, na may populasyon ng 2,800 inmates, ay nakatukoy ng 144 na preso na nagkasakit ng TB.

DIONY MAMARIL

DIRECTOR S

DR. KATSUNORI OSUGA

OFFICER-IN-CHARGE C

PARA

QUEZON CITY JAIL

QUEZON CITY WARDEN JOSEPH VELA

ROMEO VIO

ULTRA VIOLET

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with