^

Metro

2 dedo sa magnanakaw

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang lolo at isang caretaker ang kapwa nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang magnanakaw sa dalawang magkahiwalay na insidente ng panloloob sa lungsod ng Caloocan at Navotas, kamakalawa.

Unang nasawi si Danilo Chan, 62, nang pasukin ng mga hindi nakilalang salarin ang kanyang tinutuluyang bahay sa may Kabulusan II, Caloocan City dakong alas-5:45 kamakalawa ng hapon.

Ayon sa mga kapitbahay, nakarinig na lamang sila ng sunud-sunod na putok ng baril sa loob ng bahay ni Chan. 

Nang kanilang puntahan, natagpuan ang duguang bangkay ng biktima na isinugod pa sa President Dios­dado Macapagal Memorial Medical Center ngunit nala­gutan rin ng hininga.

Dakong alas-10:45 naman kamakalawa ng gabi nang pagbabarilin si Alfred Acuña, 31, stay-in sa Merville Subdivision, Brgy. Tanza, Navotas.  Ayon sa mga kaptibahay, nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril hanggang isang lalaki ang makitang nagmamadaling lumabas ng bahay.

Nang kanilang pasukin ang bahay, inabutan na nilang wala nang buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan si Acuña.

Hinihinala ng Northern Police District (NPD) na kapwa nanlaban sa mga magnanakaw ang dalawang biktima kaya pinagbabaril ang mga ito.

ALFRED ACU

AYON

CALOOCAN CITY

DANILO CHAN

MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

MERVILLE SUBDIVISION

NANG

NAVOTAS

NORTHERN POLICE DISTRICT

PRESIDENT DIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with