Chinese na cancer patient tumalon sa 6th floor, utas
MANILA, Philippines - Lasug-lasog ang katawan ng isang 56-anyos na Chinese national nang tumalon sa ika-6 na palapag ng ospital, sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.
Dahil halos sa tapat lamang ng emergency entrance ng Manila Doctors Hospital bumagsak ang katawan ng biktimang si Lucing Lim, ng no. 1789-H Concepion Aguila St., San Miguel, Manila, agad siyang binuhat para isalba sa emergency room subalit idineklarang patay ni Dr. Santiago Rio dakong alas-5:27 ng umaga.
Sa ulat ni PO3 Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-5:20 ng umaga sa harapan ng Manila Doctors Hospital na matatagpuan sa no. 667 U.N. Ave., Malate, Maynila.
Nagulat umano ang emergency clerk na si Armita Linaban, habang, kasalu kuyan siyang nagwi-withdraw sa ATM booth sa harapan ng nasabing ospital nang makarinig siya ng pagbagsak at nang tingnan ay katawan ng babaeng duguan sa semento kaya agad siyang tumawag ng magbubuhat papasok sa ER.
Batay sa rekord, noong Abril 2, pa naka-confine ang biktima na may sakit umanong breast cancer.
Nakiusap naman ang mga kaanak ng biktima na huwag na lamang busisiin pa ang kaso ng pagkamatay ng biktima dahil wala namang foul play dahil posibleng desperado na ang biktima kaya nagpakamatay.
- Latest
- Trending