^

Metro

LPG nagbaba ng P1 sa kada kilo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muling ibinaba ng grupo ng independent retailers na Liquefie­d Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) ang presyo ng kanilang produkto dahil sa patuloy na pag­bulusok ng halaga nito sa internasyunal na merkado.

Inihayag ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty na P1 kada kilo o P11 kada tangke ng LPG ang kanilang ibinawas isang linggo makaraan ang huli nilang rollback.

Matatandaan na nitong Mayo 16, nagtapyas din ang grupo ng P1 sa kada kilo ng cooking gas ng kanilang mga miyembro na Island Gas, Regasco Gas, Pinnacle Gas, Cat Gas, M-Gas, Omni Gas at Nation Gas.

Ayon kay Ty, ito ay kasunod na rin ng pagbaba ng contract price ng LPG ng halos $140 kada metriko tonelada.

ARNEL TY

AYON

CAT GAS

GAS

INIHAYAG

ISLAND GAS

NATION GAS

OMNI GAS

PETROLEUM GAS MARKETER

PINNACLE GAS

REGASCO GAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with