^

Metro

Protection order binigay ng korte kina Claudine, Raymart

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ginawaran ng temporary protection order ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang mag-asawang Claudine at Raymart Santiago.

Ayon kay Atty. Alex Avisado, naglabas na ng kautusan si QCRTC Branch 219 Judge Bayani Vargas laban sa magka­kapatid na Ben, Raffy at Erwin Tulfo.

Inaprubahan ng korte ang inihaing Writ of Amparo with application for issuance of temporary protection order na isinampa ng mga abogado ng mag-asawang Santiago noong Mayo 11.

Bunga ito ng pangamba ng mag-asawa na gawan sila ng masama ng Tulfo brothers makaraang bantaan ang mga ito nang maganap ang insidente sa NAIA na kinasasangkutan ni Mon Tulfo, ang nakatatandang kapatid ng tatlong Tulfo.

Sa utos ni Judge Vargas, pinagbabawalan sina Ben, Erwin at Raffy Tulfo, pati na ang kanilang aides at security na lumapit kina Claudine at Raymart sa loob ng 500 metro.

ALEX AVISADO

CLAUDINE

ERWIN TULFO

JUDGE BAYANI VARGAS

JUDGE VARGAS

MON TULFO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RAFFY TULFO

RAYMART SANTIAGO

TULFO

WRIT OF AMPARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with