^

Metro

Lalaki isinilid sa drum

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Karumal-dumal ang sinapit ng isang lalaki na pinaniniwalaang ex-convict matapos patayin at isilid sa isang drum na iniwan sa kahabaan ng R-10 sa Tondo, Maynila kahapon ng ma­daling-araw.

Nakabalot ng packaging tape ang ulo habang nakatali naman ang mga kamay ng nylon cord ang biktima na inilarawan na nasa edad na 40 hanggang 45, may taas na 5’3’’, maiksi ang buhok, nakasuot ng kulay asul na pantalon at mayroong tattoo sa katawan na imahe ni “Jesus”, tattoo ng “Dragon” sa kaliwang kamay, imahe ng lalaki na may pangalan na “Nathaniel” at “Crustal” sa kaliwang pige, at iba-ibang imahe at marka ng “Commando” sa likurang bahagi ng katawan.

Base sa report, dakong alas-2:30 ng ma­daling-araw nang matagpuan ang drum kung saan naroon ang biktima sa Bongavilla St., Road 10, Tondo, Maynila.

Nabatid na natagpuan ni Kagawad Wilbor Huit, 35, ng Brgy. 39 Zone, District 1, ang biktima sa loob ng drum kung kaya agad nitong ipinagbigay-alam sa pulisya.

Nang buksan ang drum, dito na nakita ang biktima na may palatandaan na pinahirapan dahil sa marka sa leeg na pinaniniwalaang binigti muna bago isinilid sa drum. Mayroon din itong mga galos at sugat sa kaliwang braso at mga binti.

Dinala naman ang katawan ng biktima sa Cruz Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.

BONGAVILLA ST.

BRGY

CRUZ FUNERAL PARLOR

DINALA

KAGAWAD

KARUMAL

MAYNILA

MAYROON

WILBOR HUIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with