^

Metro

Mister patay sa sunog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sa kagustuhang ma­kuha ang naiwang pera habang naglalagablab ang kanyang bahay, isang lalaki ang nasawi matapos na ma-trap sa loob at masunog sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Wala nang buhay nang matagpuan ang sunog na bangkay ng biktimang si Allan Billones habang nakahandusay sa loob ng kanyang bahay sa Halcon St., Brgy. San Isidro Labrador, La Loma sa lungsod.

Ayon sa misis nitong si Emelita Bacus, nakita niyang umakyat muli sa kanilang nasusunog na bahay ang mister matapos na mailigtas ang tatlo nilang anak pero hindi na naka­labas. Matapos ang sunog ay saka nila nakita ang walang­ buhay na ka­tawan nito.

Sa ulat ni SFO3 Sherwin Penafiel ng BFP, nag­simula ang apoy sa ikalawang palapag ng kuwarto ng isang Ma. Luisa­ Retulla ganap na ala-1:38 ng madaling-araw.

Sinasabing kase­selebra lang ng naturang lugar sa pista ng San Isidro Labrador kung kaya nagkaroon ng kasayahan at inuman.

Mabilis na kumalat ang apoy, hanggang sa madamay ang katabing bahay ng pamilya ng biktima.

Agad namang naka­ligtas si Bacus ka­sama ang tatlo niyang anak, pero pilit umanong bumalik si Billones dahil sa naiwan nitong pera.

Makalipas ang ilang oras, matapos na ideklarang fire-out ang sunog ganap na alas-2:50 ng madaling-araw ay saka natagpuan ang bangkay ng biktima.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ika-apat na alarma ang sunog kung saan anim na bahay ang na­tupok ng apoy at anim na pamilya rin ang na­apektuhan.

Aabot naman sa P400,000 halaga ng ari-arian ang napinsala, habang inaalam pa ang ugat ng naturang sunog.

AABOT

ALLAN BILLONES

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

EMELITA BACUS

HALCON ST.

LA LOMA

SAN ISIDRO LABRADOR

SHERWIN PENAFIEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with