"It's more fun in Intramuros", inilunsad
MANILA, Philippines - Tiwala ang pamunuan ng makasaysayang lugar ng Intramuros na hahatak at higit pang lolobo ang bilang ng mga turistang papasok sa tinaguriang “walled city” ng bansa. Ito ang inihayag ni Intramuros Administration (IA) Administrator Jose Capistrano, Jr., sa isinagawang kick-off launch ng “It’s more fun in Intramuros” sa Ristorante del Mitre, Intramuros, Maynila, nitong Biyernes kung saan ay unang araw din ng pagdiriwang ng “Intramuros Week”.
Sa pamamagitan umano ng iba’t ibang aktibidad na inihahanda ng pamunuan bukod pa sa mga major projects na nakalinya, wala umanong dahilan upang hindi lumobo ang bilang na 500,000 o kalahating milyong local and foreign tourists na bumibisita sa Intramuros kada-taon.
Ilan sa mga malalaking proyekto at pagbabago na makikita sa makasaysayang lugar ay ang re-development ng Maestranza Park sa Pasig River kung saan ang mga turista ay maaaring makapag-coffee shops, restaurants, at makapamili sa mga souvenir shops. Kahalintulad umano ito ng Singapore Clarke Quay, isang historic riverside kung saan makikita ang mga restored warehouses na ginawang restaurants at nightclubs.
Liban dito, asahan din umano na madadagdagan ang kasalukuyang bilang ng mga hotel sa loob ng Intramuros, kung saan maaaring makapag-stay ang mga pupunta partikular na ang mga foreign tourists, sa pamamagitan naman ng planong pagpapatayo ng Botique Hotel sa Old Ateneo Municipal, di-kalayuan sa San Agustin Church. Bukod dito, plano rin ng IA na gawing ‘fine dining’ restaurant ang American Barracks sa loob ng Fort Santiago.
Iginiit pa ni Capistrano na nais din nilang muling manumbalik ang sigla at saya sa Intramuros pagdating ng gabi, kaya naman bukod sa planong muling pagbubukas ng Fort Santiago sa gabi, maaari na ring mag-enjoy ang mga parukyano nito sa mga stage performances o cultural show na gagawin sa open-air Rajah Sulaiman.
- Latest
- Trending