^

Metro

P79-M halaga ng pekeng bag nasamsam ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kinumpiska ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mahigit sa P79 milyong halaga ng 2,041 piraso ng Louis Vuitton bag (LV), na sinasabing peke at ibine­benta sa merkado.

Ilang stall at bodega ang sinuyod ng NBI-Intellectual Pro­perty Rights Division nitong nakalipas na Miyerkules matapos ang apat na linggong surveillance at test buy ng mga pekeng bag, ani Atty. Rommel Vallejo, hepe ng nasabing dibisyon.

Kabilang sa nasamsaman ng pekeng LV ang warehouses G-55/57 at H-28 sa Manila Textile Market sa Soler St.; at mga stall sa 1k-11, 1K-12, 1L-12, 2F-10/12, 2H-3/5 at 2R-9 sa 999 Shopping Mall, Sta. Elena St., sa Binondo, Maynila.

Sinabi ni Vallejo na ang operasyon ay bunsod ng reklamong inihain ng kinatawan ng Louis Vuitton company na Asia Pacific, simula pa noong Enero ng taon.

Nabatid na tinutukoy pa ang may-ari ng mga establisimento para sa isasampang kaso.  

ASIA PACIFIC

ELENA ST.

INTELLECTUAL PRO

LOUIS VUITTON

MANILA TEXTILE MARKET

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RIGHTS DIVISION

ROMMEL VALLEJO

SHOPPING MALL

SOLER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with