^

Metro

Tumanggi sa inuman, pinatay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon ng Caloocan City Police ang isang grupo ng lalaki na nag-iinuman na huling nakasalamuha ng isang 37-anyos na electrician na nasawi dahil sa isang sugat sa ulo, kahapon ng madaling-araw.

Naisugod pa sa Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Ramil Mendoza, 37, ng Phase 8-B, Bagong Silang, ng naturang lungsod pero hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Inimbitahan naman ng pulisya ang grupo ng lalaking nag-iinuman sa pangunguna ng isang Manuel Orolfo.

Sa salaysay ni Orolfo sa pulisya, dakong alas-11:45 ng hatinggabi nang mapadaan si Mendoza sa kanilang inuman sa may Power Line, Phase 4, Bagong Silang kung saan inalok nila na tumagay ito.

Tumanggi umano si Mendoza at nangakong babalik saka umalis. Makalipas ang isang oras ay muli itong bumalik na pasuray-suray hanggang sa bumagsak sa kalsada at nawalan ng malay.

Agad naman nila itong isinugod sa pagamutan kung saan nadiskubre na may malaking sugat ito sa ulo na tanda na pinalo ng matigas na bagay.  

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY POLICE

INIMBITAHAN

ISINASAILALIM

JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

MAKALIPAS

MANUEL OROLFO

MENDOZA

NAISUGOD

POWER LINE

RAMIL MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with