^

Metro

Salvage victim isinilid sa karton

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang na­tagpuan na nakasilid sa isang karton kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

May taas na 5’5” ang biktima, may tattoo na Sputnik sa likuran, nakasuot lamang ng brief at tadtad ng saksak sa buong katawan nang ma­tagpuan ang biktima dakong alas-3 ng umaga sa may Torsillo Street, Dagat-dagatan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, isang residente ang nakakita sa kahon ng LG refrigerator na sinelyuhan ng packaging tape sa gilid ng kalsada. May nakasulat sa kahon na “Jumper at Danny Toyo kaw na ang susunod.”

Agad na tumawag ng pulis ang mga residente at nang buksan ang kahon ay tumambad ang duguang bangkay ng biktima. Bukod sa mga saksak, may nakapilipit din na lubid sa leeg ng biktima na tanda na labis muna itong pinahirapan bago tuluyang pinaslang.

Hindi naman residente ng naturang lugar ang biktima na maaaring pinaslang sa ibang dako saka itinapon ang bangkay. Hinihinala rin na maa­aring mga miyembro ng sindikatong kinaaaniban ng biktma ang may kagagawan ng naturang krimen.  

BANGKAY

BIKTIMA

BUKOD

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAGAT

DANNY TOYO

HINIHINALA

ISANG

TORSILLO STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with