4 bagets utas sa car crash

MANILA, Philippines - Apat na binatilyo ang ini­ulat na nasawi makaraang sumalpok sa isang poste ang sinasakyan nilang kotse­ sa loob ng Ayala Alabang­ Village sa Muntinlupa City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Bruce Garcia, 14; Thomas Eric Nguyen, 16; Joshua Syyap, 15; and Timothy Syyap, 18.

Base sa inisyal na imbestigasyon, lulan ang mga binatilyo sa isang itim na Hyundai Elantra (TQQ-397)nang bumangga ito sa electric post sa may Guijo St., sa loob ng village dakong alas-4 ng madaling-araw.

Dahil sa lakas ng pagka­bangga, tumilapon pa­labas ng sasakyan ang mga biktima­.

“Total wreck ang sasak­yan na nahati sa dalawa,” ayon sa isang residente na tumangging ibigay ang pa­ngalan. 

Ayon sa mga opisyal ng barangay na nakikipag-coordinate na ang Home Owners Association sa mga tauhan ng pulisya para magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Show comments