^

Metro

Janitor niratrat sa harap ng pamilya

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang janitor na pinagbabaril sa harap ng kanyang pamilya ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Ayon sa report, ang biktima na si Vicente Valdez, 49, janitor ng Ombudsman, at kasalukuyang naninirahan sa Fatima St., San Vicente, Q.C. ay naghahapunan kasama ang pamilya sa loob ng kanilang bahay nang mangyari ang insidente, bandang alas-8:10 ng gabi nang biglang pumasok ang suspect na isinalarawan sa taas na 5’6’’, nakasuot ng kulay asul at puti na t-shirt, maong na pantalon at backpack saka pinagbabaril ang una. 

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Valdez na sa kabila nito ay nagawa pang makatakbo bago tuluyang bumulagta sa lupa.

Mabilis namang tumakbo palayo ang suspek mula sa lugar ng insidente patungo sa Maliwanag St.

Sa tulong ng mga kapit­bahay, nagawa pang ma­isugod si Valdez sa East Avenu­e Medical Center ngunit­ idineklara din itong dead-on-arrival.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

AYON

BLANGKO

EAST AVENU

FATIMA ST.

MABILIS

MALIWANAG ST.

MEDICAL CENTER

SAN VICENTE

VALDEZ

VICENTE VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with