2 dalagita dinukot
MANILA, Philippines - Dumulog sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang isang lalaki upang ireklamo ang pagkawala umano ng kanyang anak na dalagita matapos na ito ay magtungo sa kanyang kaklase kahapon.
Ang biktima na nakilala lamang sa pangalan na “Claudine”, 13, estudyante ng San Isidro High School sa Makati City at nakatira sa Leveriza St., Pasay City, habang ang kaklase naman nito ay nakilala sa pangalang “Justine”, 13.
Base sa report ng MPD, dakong alas-7 ng umaga. kahapon nang magtungo sa kanilang tanggapan ang ama ni Claudine na si Jonathan, mekaniko, at humingi ng tulong.
Nabatid na nagpaalam umano si Claudine sa kanyang ama dakong alas-4 kamakalawa ng hapon na magtutungo sa bahay ng kanyang kaklase upang kunin umano ang kanyang card.
Makalipas ang isang araw ay nakatanggap umano ng mensahe si Jonathan mula sa anak sa pamamagitan ng cellphone at sinabing tulungan sila (mga biktima) at nasa madilim umano silang kuwarto na walang bintana at naka-lock ang pinto.
Posibleng hindi umano ito kaso ng kidnap for ransom, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.
- Latest
- Trending