^

Metro

Estudyante napagalitan sa hindi pag-eenrol, nagbigti

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang estudyante ang nasawi matapos magbigti, dahil sa hindi umano nito matanggap ang pane­nermon ng ilang kaanak dahil sa hindi niya pag-eenroll sa eskuwelahan ngayong taon, sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Naaagnas na ang katawan ni Le-an Michael Cruz, 20, residente ng Brgy. Project 6 sa lungsod, nang madiskubre ng kanyang ina na si Michelle Cruz.

Ayon kay SPO1 Greg Maramag, nadiskubre ang bangkay ng bik­tima sa loob ng kanilang library­, ganap ng alas-8:30 ng gabi.

Lumilitaw sa imbestigasyon na tatlong araw na ang nakalipas bago nadiskubre ang katawan ng biktima.

Pinagalitan umano ito ng kanyang ina at ka­patid, matapos na hindi magpa-enroll ngayong taon sa eskwelahan.

Sinasabing matapos ang nasabing sermon ay hindi na muling nakita ng mga ka­anak si Michael.

Nadiskubre ang katawan ng biktima, nang umuwi ang kanyang nanay­ galing sa trabaho kung saan nalanghap nito ang di-kanais-nais na amoy na nanggagaling sa na­sabing silid aklatan.

Unang inakalang ang amoy ay mula sa patay na daga, pero nang-buksan ang pinto ng silid, dito na tumambad ang nakasabit na katawan ng biktima, na nakatali ng isang nylon cord mula sa kahoy sa taas at nakapulupot sa kanyang leeg.

Ayon sa ina ng biktima, hindi umano gusto ng anak ang kursong computer science­, dahil may gusto itong ibang kurso.

Huling nakitang buhay ng kanyang ina ang biktima noong Lunes, at hindi na niya ito nakita sa kanilang bahay kung saan tatlo lamang silang nakatira.

AYON

BRGY

GREG MARAMAG

HULING

ISANG

LUMILITAW

MICHAEL CRUZ

MICHELLE CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with