Baril at pera tangay sa opisina
MANILA, Philippines - Baril at pera ang natangay ng hindi pa kilalang suspek na nanloob sa isang tanggapan sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Sa pahayag ng helper na si Ronaldo Apelado, alas-7:40 ng umaga, pagpasok niya sa opisina ng Expedition Construction sa 1st Avenue ng nabanggit na lungsod ay napansin niya na bukas ang drawer ng kaherang si Evangeline Lazala na naging dahilan upang ipaalam niya ito sa pulisya.
Nang respondehan nalaman na nawawala ang P70,000 cash ng opisina.
Nawawala rin ang caliber .22 riple na nakasabit sa opisina ng manager na si Noel Lorenzana.
Lumalabas na sinira ng suspek ang bintana ng nabanggit na tanggapan upang makapasok at makapanloob.
- Latest
- Trending