^

Metro

4 sugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa Quezon City

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Apat katao ang iniulat na nasugatan sa magkaka­hiwalay na vehicular incident na nangyari sa loob lamang ng limang oras sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng District Traffic Management Unit ng Quezon City Police, kinilala ang mga sugatan na sina Aries Santos; pahinante at Timoteo Reyes, driver; Daniel Velarde Jr., 33; at Anne Loren Me­lo­santos, 28.

Ayon sa ulat, unang na­aksidente si Santos sa may Edsa-Quezon Avenue ma­tapos na sumalpok ang sina­sakyan nitong 16-wheeler truck na minamaneho ng isang Crisanto Ocampo sa may poste ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Naipit si Santos dahilan para ito magtamo ng matin­ding pinsala sa katawan.

Ganap na alas-3 ng madaling-araw naman ng madisgrasya ang 14-wheeler truck na sinasakyan ni Reyes sa isang poste ng Metro Rail Transit sa Kamuning Flyover sa lungsod.

Sinasabing may kargang buhangin ang dalang truck ni Reyes kung saan nakatulog umano ito sanhi ng naturang aksidente.

Alas-5 ng umaga nang maaksidente naman ang sinasakyan ng mga biktimang sina Velarde at Melosantos sa may EDSA, Muñoz sa Brgy. Ramon Magsaysay.

Sakay ng Mitsubishi L-300 van na minamaneho ng isang Rodolfo Culibra, 37, ang dalawa nang salpukin sila ng isang Toyota Hilux na pick up na minamaneho ng isang Ivan Garcia.

ANNE LOREN ME

ARIES SANTOS

CRISANTO OCAMPO

DANIEL VELARDE JR.

DISTRICT TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

EDSA-QUEZON AVENUE

IVAN GARCIA

KAMUNING FLYOVER

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with