^

Metro

Dalaga patay sa abortion

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na dalaga ang nasawi matapos na sumailalim sa abortion sa isang tagong klinika sa Pasay City, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jay Vanessa Yamson, residente ng Sampaloc, Maynila na idineklarang dead-on-arrival sa San Juan de Dios Hospital matapos ang pumalpak na abortion sa Park Avenue Mansion sa Pasay City.

Ayon sa pulisya, nagpasama umano ang biktima sa kanyang ina na si Janet sa Pasay City para sa medical check-up.

Nagtungo umano sila sa Park Avenue Mansion sa lungsod sa unit 817.

Sinabihan umano ang ina ng nasawi na mag­hintay na lamang sa re­ceiving area subalit hindi nagtagal ay tinawag siya ng anak at nang pumasok siya sa kuwarto ay doon niya nakita ang maraming dugo sa maselang bahagi ng katawan ng kanyang anak.

Doon niya sinabihan ang doktor na dalhin sa ospital ang kanyang anak, gayunman hindi na nga ito umabot nang buhay sa pagamutan.

Agad namang nagtungo ang pulisya sa lugar kung saan umano naganap ang abortion subalit wala na doon ang sinasabing doktor.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya para sa ikaki­kilala ng suspect at sa ikaka­aresto nito.

AYON

DIOS HOSPITAL

ISANG

JAY VANESSA YAMSON

KINILALA

MAYNILA

NAGSASAGAWA

PARK AVENUE MANSION

PASAY CITY

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with