Hawaan ng sakit sa evacuation center, pinaghahandaan Â
MANILA, Philippines - Masusing minomonitor ngayon ng mga health officials ng Manila City Hall ang kalusugan ng libu-libong pamilyang nasunugan sa Isla Puting Bato na ngayon ay nasa evacuation area sa Del Pan Sports Complex sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Dr. Benjamin Yzon, hepe ng Manila Health Department, 24 oras nakaantabay na medical team sa lugar na inatasan na magsagawa ng routine para masiguro na may sapat na supply ng gamot ang evacuees.
Paliwanag ni Yzon, ka ilangan na maagapan ang mga sakit na maaaring makahawa sa mga kapwa evacuees lalo pa’t congested ang evacuation center.
Aniya, maging ang supply ng gamot na kailangan para sa mga may ubo, skin at respiratory disease ay sapat kung kaya’t walang dapat na ipangamba ang mga evacuees.
Umaabot sa 1,300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa Bgy. Isla Puting Bato sa Tondo. Ang naturang lugar ay pag-aari umano ng Philippine Ports Authority (PPA).
Samantala, sinabi naman ni City Administrator Jesus Mari Marzan na naglagay na rin ng mga basurahan at apat na portalet sa Del Pan upang maiwasan ang mas lalo pang pagdudumi ng lugar.
Nabatid na sa paligid na lamang ng sports complex itinatapon ng mga evacuees ang kanilang mga dumi.
- Latest
- Trending