^

Metro

Kelot kritikal sa saksak, dahil sa tong-its

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dayaan ang sinasabing naging dahilan kung kaya sinaksak ng isang binata ang kanyang nakalaro sa tong-its kamakalawa sa Navotas City.

Nasa kritikal na kondisyon at ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Hospital ang biktimang si Glenn Lines, 27, ng Block 3, Pamasawata St., Dagat-Dagatan, Brgy. 28, Caloocan City sanhi ng tinamong mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.       

Sa inisyal na imbestigasyon ng Station Investigation Division (SID), Navotas City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-2:00 ng hapon sa Sawata St., Brgy. San Rafael  Village ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na naglalaro ng tong-its ang biktima at suspek at pagkalipas ng ilang sandali ay nagkaroon  na ng mainitang pagtatalo ang mga ito hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng ilang saksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek at ang biktima naman ay dinala ng ilang kapit­bahay sa naturang pagamutan.

BRGY

CALOOCAN CITY

GLENN LINES

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

PAMASAWATA ST.

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL HOSPITAL

SAN RAFAEL

SAWATA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with