^

Metro

3 de-boga na tanod timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Kulungan ang bagsak ng tatlong barangay tanod ma­karaang makuhanan ang mga ito ng iligal na baril habang rumiresponde sa isang krimen sa kanilang lugar sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga na­dakip na sina Jerry Cervantes, 52; Alberto Olalia, 32, at Rafael Calderon, 42; pawang mga miyembro ng Barangay Police Security Office (BPSO) sa Brgy. Damayan sa lungsod.

Inaresto ang mga ta­nod matapos mapatuna­yang hindi lisensyado ang kanilang dalang mga baril. Bukod dito hindi­ rin anya maaaring magdala ng baril ang mga ito kapag rumesponde sa krimen.

“So instead of arresting those on the scene, they were the ones who got arrested by our policemen,” ayon sa pulisya.

Nangyari ang insidente ganap na alas-11 ng gabi ma­karaang makatanggap ang barangay ng tawag hinggil sa nangyayaring gulo sa lugar na agad namang nirespon­dehan ng tatlong barangay tanod.

Pero maging ang tropa ng QCPD-station 11 ay nakatanggap din ang nasabing tawag at rumisponde din sa lugar, kung saan naabutan ng mga ito ang mga nasa­bing tanod. Dito ay napuna ng mga pulis na may dalang baril ang tatlo, partikular ang kalibre .38 paltik at nang tanungin kung may papel ang mga ito ay wala silang ipinakita.

BARANGAY POLICE SECURITY OFFICE

BRGY

BUKOD

DAMAYAN

DITO

INARESTO

JERRY CERVANTES

RAFAEL CALDERON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with