^

Metro

Habambuhay sa 'tulak' na Intsik

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng Manila Regional Trial Court ang isang Chinese national matapos na ma­patunayang nagkasala sa pagbebenta ng Ephedrine o sangkap ng shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon sa Binondo, Maynila noong 2007.

Sa pitong pahinang desisyon ni Judge Rey­ naldo Al­hambra ng branch 53, si Ji Jin Dun, kilala din sa pa­ngalang Tsi Tsai Tsun, na pi­naniniwalaang miyembro ng isang inter­national drug syndicate ay napatunayang guilty sa paglabag sa Sec. 5, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos na makuhanan ng nasabing droga.

Pinagbabayad din ng korte­ si Dun ng P1 mil­yon­ bilang penalty.

Batay sa record, na­da­kip si Dun ng mga PDEA noong Mayo 4, 2007 sa Binondo, Maynila kung saan nasamsam dito ang may 721.46 gramo ng Ephe­drine sa isinagawang buy-bust operation.

Ang Ephedrine ang pa­­­­ngunahing sangkap sa paggawa ng methamphe­tamine hydrocloride o shabu.

ANG EPHEDRINE

BATAY

BINONDO

DRUGS ACT

JI JIN DUN

JUDGE REY

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MAYNILA

REPUBLIC ACT

SHY

TSI TSAI TSUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with