Mid-year bonus ng mga kawani ng Manila City hall ibibigay na

MANILA, Philippines - Ikinagalak kaha­pon ng mga kawani ng Ma­nila City Hall nang ibalita ni Mayor Alfredo S. Lim kahapon ng uma­ga sa isinagawang flag raising ceremony ang pagre-release ng kanilang mid-year bonus o kalahati ng 13th month pay.

Aniya, inatasan niya si Marissa de Guzman, city treasurer, na ipro­seso na ang pagbibigay ka­agad ngayong araw ng bonus (Mayo 15). 

“Kung walang pera mahirap namang magsalita na merong ibibigay, pero ngayong meron na, pwede ninyo na ku­nin bukas paggawa na ang payroll. Lahat ng sahod makukuha ninyo ngayon, bukas naman ang mid-year bonus,” ani Lim.

Samantala, patuloy pa rin ang pagkalinga ng alkalde sa mahigit 5000 indibidwal na nawalan ng tirahan sa sunog noong Biyernes ng hapon sa Isla Puting Bato sa Tondo.  

Show comments