Car wash boy dinedo sa party

MANILA, Philippines - Isang car wash boy ang nasawi matapos ba­rilin sa leeg ng isang lalaki sa isang birthday party sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Eugene Jake Dalusong, 17, binata, car wash boy, at residente ng Sauyo Rd., Brgy. Sauyo, Novaliches, QC.

Ang suspect naman ay kinilalang si Bernardo Miranda “Akong”, 65, ng naturan ding lugar.

Naganap ang nasa­bing insidente sa Fer­nando Compound Lag­kitan St., Delnacia Vil­lage Sauyo Road, Novaliches Quezon City, ga­nap na alas-7:45 ng gabi.

Bago ito, nakikipag-inuman sa isang birthday party ang biktima kasama ang isang Jaycie Nocellado sa isang mesa, habang sa kabilang mesa naman ang suspek kasama ang grupo ng matatanda, nang biglang tumayo ang huli at nilapitan ang una saka pinaputukan sa leeg at tumakas.

Nagawa pang mai­sugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa Bernardo Hospital ngunit binawian din umano ng buhay.

Tinutugis na ng awtoridad ang nasabing suspect. (with trainee Eliza Mercado Haber)

Show comments