^

Metro

Taxi driver, pasahero patay sa aksidente

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kapwa hindi na uma­bot ng buhay sa paga­mutan ang isang taxi driver at pasahero nitong babae makaraang mabangga ang kanilang sinasakyan ng isang ru­­maragasang sports uti­lity vehicle (SUV) sa ka­habaan ng C5 Road sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Florentino Eusebio at ang pasa­hero nitong si Maria Concuelo Magnaye. 

Nagtamo naman ng sari-saring pinsala sa katawan ang nakabanggaan na sina Maybeline Perez, driver ng Mitsu­bishi Fusion at isang Rene Baitan, driver naman ng nadamay na mo­torsiklo.

Sa ulat, sinabi ni Perez na minamaneho niya ang Mitsubishi Fusion (ZKD-845) dakong alas-7:50 ng umaga pa­tungong southbound sa taas ng C5 flyover sa Brgy. Bagong Ilog nang mawalan siya ng kontrol sa manibela at bumangga sa isang poste ng ilaw.

Dahil sa lakas ng pag­kabangga, nagpa­ikut-ikot ang SUV at ma­pagawi sa kabilang lane kung saan nasalpok naman ang paparating na taxi na kinalululanan nina Eusebio at Magnaye.

Hindi rin naman nakaiwas ang kasunod na motorsiklo na minamaneho ni Baitan na bumangga rin sa mga nakahintong behikulo sanhi upang sumem­plang ito.  

vuukle comment

BAGONG ILOG

BAITAN

FLORENTINO EUSEBIO

MARIA CONCUELO MAGNAYE

MAYBELINE PEREZ

MITSUBISHI FUSION

PASIG CITY

RENE BAITAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with