^

Metro

Mag-asawa patay sa usok ng generator­

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sa halip na makaranas ng ginhawa sa paggamit ng generator sa kanilang bahay bunga ng kawalan ng kuryente, nadiskubreng patay ang isang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila dahil sa suffo­cation matapos na su­mingaw ito, batay sa naantalang ulat ng Manila Police District.

Nabatid na tumang­gi ang mga kaanak na paimbestigahan pa ang pagkamatay ng mag-asa­wang biktimang sina Cirilo Basa, 66 at Conchita, 62, ng 978 Wagas St., Tondo, Maynila dahil sa paniniwala na walang foul play na naganap sa pagkasawi ng mga ito na sinasa­bing na-suffocate.

Sa ulat ni PO1 Francisco Mendoza, dakong alas-6:00 ng umaga kamakalawa nang matagpuang walang buhay sa kanilang kuwarto ang mag-asawa.

Sinabi naman ni Erwin Villafuerte, 20, caretaker at stay-in sa bahay ng mag-asawa, inutusan siya ng mga ito na buhayin ang ge­nerator at ipinasok sa loob ng bahay upang maga­mit dahil wala silang koneksyon ng kuryente bunga ng sunog na naganap malapit sa kanilang lugar.

Gabi ng Sabado nang paandarin ni Villa­fuerte ang generator at ilagay umano ito sa loob ng bahay na lingid sa mag-asawa dito na nagsimulang kumalat ang masangsang na amoy ng gas, na hindi inakalang may singaw.

Kinabukasan, tumambad ang wala ng buhay na mag-asawa, at tumanggi na umano ang kaanak ng mag-asawa na paimbestigahan pa ang nasabing insidente.

vuukle comment

CIRILO BASA

ERWIN VILLAFUERTE

FRANCISCO MENDOZA

MAG

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

SHY

WAGAS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with