Breastfeeding seminar, tampok sa Mother's Day celebration sa QC
MANILA, Philippines - Upang mai-promote ang breastfeeding sa mga city hall employees, laluna sa mga buntis at nursing mothers, magsasagawa ng isang araw na breastfeeding seminar sa lungsod bilang bahagi ng Mothers’ Day celebration na gagawin bukas (Lunes) sa ganap na alas-8:30 ng umaga sa Lecture Room A, Legislative Building sa QC hall.
Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, ang hakbang ay bilang dagdag na kaalaman sa mga kababaihang empleyado sa city hall patungkol sa kahalagahan ng breastfeeding sa kalusugan ng mga sanggol.
Sinabi pa ni Belmonte na ang lokal na pamahalaan ay lilikha ng support system para sa mga buntis at nursing mothers upang mahikayat ang mga itong mag- breastfeed sa halip na gumamit ng de-boteng mga gatas para sa mga anak.
Noong nakaraang Marso, naglagay ang city government ng isang breastfeeding station sa city hall compound para mahimok ang mga empleado at mga nagtutungo doon na mai- promote ang breastfeeding kahit sa labas ng tahanan.
Sa ngayon, ang lungsod ang isa sa mga progressive cities na nagpatupad ng ordinansa sa ilalim ng Breast Feeding Act of 1992.
- Latest
- Trending