^

Metro

Vice president ng EARIST utas sa ambush

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang Executive Vice President ng Eulogio Amang Rodriguez­ Institute of Science and Technology (EARIST) makaraang tambangan ng riding in tandem habang bina­baybay nito ang Valencia St., sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Noel Bangis Cabrera, 46 at residente ng Carnation St. Modesto Village, San Mateo Rizal.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect na kapwa nakasuot ng helmet at armado ng baril.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng MPD-Homicide Section, dakong alas-7:15 ng gabi ng Biyernes nang maganap ang pananambang sa Valencia St. Sta. Mesa habang ang biktima ay lulan sa kanyang Toyota Avanza, silver ( PVO-241).

Nabatid na kalalabas pa lamang ng biktima sa back gate sa Valencia St. habang minamaneho ang kanyang sasakyan sa direksiyon ng Ramon Magsaysay Boulevard, kasama sa passenger seat ang staff na si Rolando Pe­raldo nang tumawag umano ito sa misis na si Elizabeth Cabrera, 52, gamit ang cellphone. Ilang Segundo lamang ay nagulat si Peraldo sa putok na narinig at napayakap sa kanya ang biktima na nagsabi pang “Roland may tama ako”. Duguan na ang biktima at hindi na nakontrol ang sasakyan kaya bumangga sila sa island sa RM Blvd.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso para matukoy kung anong motibo sa krimen. (With reports from Irish Ocampo, Angely Ablay at Julie Ann Mundero -trainee)

ALONZO LAYUGAN

ANGELY ABLAY

CARNATION ST. MODESTO VILLAGE

ELIZABETH CABRERA

EULOGIO AMANG RODRIGUEZ

EXECUTIVE VICE PRESIDENT

HOMICIDE SECTION

ILANG SEGUNDO

VALENCIA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with