Mag-ina minasaker sa Caloocan

MANILA, Philippines - Pagnanakaw ang pa­ngu­nahing motibong iniimbestigahan ng pulisya matapos patayin sa saksak ang mag-ina ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kapwa dead-on-the-spot ang biktimang si Faith Sombito Jayna, 51; at anak nitong si Tessa Ferlin, 15, ng Block 35, Lot 4, Taurus­ St., Palmera Spring 2, Brgy. 173 ng nabanggit na siyudad.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan City Police, base sa report ni Henry Vergara, barangay tanod ng Barangay 173, naganap ang insidente sa pagitan ng ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng ma­da­ling-araw sa loob ng bahay ng mag-inang biktima sa nabanggit na lugar.

Kadarating lamang ni Timothy, isa sa mga anak nang tumambad sa kanya ang duguang katawan ng kanyang inang si Faith at kapatid nitong si Tessa na kapwa nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Mabilis na humingi ng tulong sa barangay si Timothy at kaagad namang ipinagbigay alam ang in­sidente sa pulisya.

Nabatid na pagnanakaw ang isa sa mga panguna­hing motibong sinisiyasat ngayon ng pulisya, dahil nagkalat ang mga kaga­mitan ng mga ito at nawawala ang ilang mahaha­lagang gamit tulad ng mga alahas at pera.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso.

Show comments