117 mag-aaral, guro nabiyayaan ng scholarship program ng Navotas
MANILA, Philippines - May 117 na nagsipagtapos ng elementarya at hayskul at maging mga guro na nagnanais magtapos ng Masteral Degree ang nabigyan ng “scholarship” sa ilalim ng iba’t ibang scholarship programs ng punong lungsod ng Navotas.
Mula sa 28 scholars noong nakaraang taon, lumobo ang bilang ng beneficiaries ng Navotas Scholarship Program ngayong taon ng halos apat na beses dahil sa suporta ng mamamayan, non-government organizations at business establishments sa lungsod.
Mahigit 1.7 milyon ang nalikom na donasyon sa nagdaang kauna-unahang “Takbo ni Juan Para sa Iskolar ng Bayan” na pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco. Kalahating milyon o P 500,000.00 dito ang naggaling mismo sa bulsa ng kapuspalad ngunit karapat-dapat na kabataang Navoteno.
Ani ni Tiangco, “sa tamang oportunidad, malayo ang mararating ng ating kabataan kaya marapat lamang na suportahan ng lokal na pamahalaan ang kanilang edukasyon.”
Ngayong bakasyon, may programa ring nakalaan para sa mga kabataang nangangailangan ng financial aid para sa darating na pasukan. Mahigit P7, 000.00 ang maaaring makuha ng 150 kabataang Navoteno ngayong summer vacation sa tulong ng Special Program for the Employment of the Students ng Department of Labor and Employment at Navotas City Government.
- Latest
- Trending