^

Metro

Preso itinumba ng kapwa preso sa Bilibid

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isa na namang pagpatay ang naitala sa loob ng National Bilibid Prisons makaraang pagbabarilin ang isang preso na sinasabing papalit na lider ng ‘Sigue-Sigue Sputnik Gang’ sa maximum security compound ng bilangguan sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot pang buhay sa NBP Hospital ang bik­timang si Dennis Amores sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa mukha.

Sa inisyal na ulat ni NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., naganap ang pamamaril dakong alas-4:30 ng hapon. Nabatid na naglalaro ng bilyar ang biktima kasama ang anim pang kapwa bilanggo nang lumapit ang nag-iisang salarin at dalawang beses itong paputukan.

Narekober naman ng mga jail guards ang dalawang basyo ng bala ng kalibre .22 baril na ginamit sa pamamaslang.

Isinasailalim naman sa paraffin tests sina Godwin Castil at Jason Villaruel upang mabatid kung sino sa mga ito ang bumaril. Ito’y makaraang umamim kay Schwarzkopf si Castil na siya ang bumaril habang iba naman­ ang testimonya ng mga saksi na itinuturo si Villaruel na siyang gunman.

Posible umano na may kinalaman ang pamamaslang sa napipintong pag-upo bilang lider ni Amores sa pina­kamalaking grupo sa loob ng maximum security compound dahil nakatakda nang lumaya sa loob ng tatlong linggo ang kasalukuyang pinuno ng grupo na si Allan Kawasa. Maaaring may iba umanong nagnanais ng naturang posisyon na uupuan ni Amores.

Hugas-kamay naman si Schwarzkopf sa pagkakapasok ng baril sa NBP nang sabihin na maaaring matagal nang naipasok ang naturang armas sa bilangguan noong hindi pa siya nakaupo sa puwesto.­

ALLAN KAWASA

CASTIL

DENNIS AMORES

GODWIN CASTIL

JASON VILLARUEL

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BILIBID PRISONS

RICHARD SCHWARZKOPF JR.

SCHWARZKOPF

SIGUE-SIGUE SPUTNIK GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with