^

Metro

Lending company nilooban

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muling nalusutan ng mga kilabot na holdaper ang mga tauhan ng Pasay City Police makaraang matagumpay na  looban ang isang lending company, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.

Nabatid sa ulat na nakara­ting sa Southern Police District, naganap ang panloloob dakong alas-3 ng hapon sa GN Mega Golden Lending Corp. na nasa ikatlong palapag ng Carmen Bldg. sa Buendia Ave., Pasay.

Abala sa kani-kanilang trabaho­ ang mga kawani na sina Emalyn Ribleza, ac­countant; Ronelo Ma­ceda, asst. secretary, Joevert Palma at Richie Arcadio, pawang mga customer service representative, nang biglang pumasok ang tatlong armadong lalaki at nagpahayag ng holdap.

Sinamsam ng mga salarin ang may P48,000 cash na nasa drawer ni Ribleza, mga personal na gamit at pera at pati ang isang laptop computer.

Ikinulong muna ng mga holdaper sa loob ng palikuran ng tanggapan ang naturang mga empleyado at binantaan na huwag lalabas kung ayaw nilang mamatay. Nang ma­tiyak na nakaalis na ang mga suspect, nagpasyang lumabas ang mga biktima at humingi kaagad ng tulong sa mga pulis.

BUENDIA AVE

CARMEN BLDG

EMALYN RIBLEZA

JOEVERT PALMA

MEGA GOLDEN LENDING CORP

PASAY CITY POLICE

RICHIE ARCADIO

RONELO MA

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with