^

Metro

Trader nagbaril sa sarili

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang hinihinalang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat, ang biktima ay nakilalang si Ro­derick Ramos, 37, may-ari ng water refilling station at residente ng Mapang-akit St., Brgy. Pinyahan ng naturang lungsod.

Base sa ulat, bandang alas- 11:30 ng umaga nang makita ang duguang biktima na may tama ng bala ng baril sa ulo ng kanyang kaanak.

Bago ito, galing umano ang biktima sa kabilang branch ng kanyang negosyo at umuwi ganap na alas-11 ng umaga.

Ayon kay Benigno Ramos, 62, pagkadating ng biktima, agad itong umakyat sa kanyang kwarto dahil sa masakit umano ang kanyang ulo.

Pangkaraniwan din umano ang kilos ng biktima nang du­ma­ting at parang walang problema kung kaya hindi nila maisip na gagawin ito ng biktima.

Sinasabing isang putok ng baril ang narinig ng mga anak ng biktima na naglalaro sa ka­tabing kuwarto mula sa kuwarto ng huli, kung kaya tiningnan ito ng isa sa mga bata kung saan nakahandusay na ito.

Blangko naman ang awtoridad sa dahilan ng pagpapakamatay ng biktima dahil ma­ging ang kaanak nito ay walang nalalamang dahilan para gawin nito ang pagpapakamatay.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung may foul play sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BENIGNO RAMOS

BIKTIMA

BLANGKO

BRGY

GAYUNMAN

ISANG

MAPANG

PANGKARANIWAN

PINYAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with