^

Metro

Kontra demanda nina Raymart at Claudine vs. Mon Tulfo iniharap

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinampahan na rin ng kasong kriminal ng mag-asawang celebrity na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang beteranong mamamahayag na si Ramon Tulfo sa Pasay City Prosecutor’s Office kaugnay ng naganap na sapakan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, kamakailan.

 Dakong alas-3 ng hapon nang dumating ang mag-asawang Santiago sa Pasay City Hall of Justice at dumiretso sa opisina ni Asst. City Prosecutor Atty. Juliet Susan Garcia.  Kapansin-pansin naman na may gamit na tungkod si Barretto sa kanyang paglalakad.

Kasong physical injuries at child abuse ang isinampa ng dalawa laban kay Tulfo dahil sa tinamong mga pasa at galos ni Barretto habang naapektuhan din umano ang kanyang mga anak sa pagwawala umano ni Tulfo.

Sa kanyang salaysay, muling iginiit ni Barretto na nakikipag-usap siya sa desk officer ng Cebu Pacific nang kunan siya ng litrato ng isang lalaki na kinalaunan ay nakilalang si Tulfo.  Nilapitan ni Santiago ang naturang lalaki at tinanong kung bakit kinukunan ng litrato ang misis ngunit ngumisi-ngisi umano ito at saka walang sabi-sabing biglang nanuntok.

Kinompronta naman ni Barretto si Tulfo at tinanong kung ano ang problema nito at kung bakit nanununtok nang biglang sipain umano siya at itulak.  Dahil sa lakas ng pagkakatulak, nagtamo umano si Barretto ng “hematoma” at ilang galos sa katawan.

Dahil sa pangyayari, nagkaroon umano ng psychological at emotional trauma ang dalawa nilang anak na sina Sabina at Santino na naging “anti-social” o ayaw nang makipaglaro sa ibang bata dahil sa takot na gagawan ng masama ng isang “bad man”. 

vuukle comment

BARRETTO

CEBU PACIFIC

CITY PROSECUTOR ATTY

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

JULIET SUSAN GARCIA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL

PASAY CITY HALL OF JUSTICE

PASAY CITY PROSECUTOR

TULFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with