^

Metro

Van ni Mendiola, natagpuan na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Natagpuan na kahapon ng umaga ang van na sinasabing huling ginamit ng pinaslang na star witness na si Alfred Mendiola  sa isang parking lot ng isang hotel sa Parañaque City.

Nadiskubre ang Toyota Grandia van (TBO-299) sa parking lot sa gilid ng Roxas Blvd. sa may Baclaran, Parañaque ng mga tauhan ng Southern Police District.

Sinabi ni SPD director, Chief Supt. Benito Estipona na natagpuan umano sa loob ng naturang van ang ilang basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at ilang packaging tape.

Kinordon naman ng mga pulis ang parking lot habang nagsasagawa ngayon ng masusing pagsasaliksik ang mga imbestigador sa pag-asang makakatagpo ng dagdag na ebidensya na maaaring maging dahilan para mabuo ng mga awtoridad ang naganap sa sasakyan.

Matatandaan na natagpuan ang katawan ni Mendiola at ng dalawa pang biktima na sina Mark Herrera at Eriberto  Jumaquio sa Dasmariñas, Cavite nitong nakaraang Linggo.  Pawang may mga tama ng bala sa ulo ang mga nasawi at nakagapos ang mga kamay at balot ng packaging tape ang mga mukha.

Si Mendiola ang nagdiin sa magkapatid na Raymond at Roger Dominguez sa operasyon ng mga ito sa carjacking at carnapping at pagpatay umano sa car dealer na si Venson Evangelista.  

vuukle comment

ALFRED MENDIOLA

BENITO ESTIPONA

CHIEF SUPT

MARK HERRERA

ROGER DOMINGUEZ

ROXAS BLVD

SI MENDIOLA

SOUTHERN POLICE DISTRICT

TOYOTA GRANDIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with