MANILA, Philippines - Ipinag-utos na kahapon ni Interior and Local Govern ment Secretary Jesse Rob redo sa PNP ang napaulat na may isa umanong he neral ng pulisya ang sinasabing sangkot at posibleng nag-utos sa pagpatay kay Alfred Mendiola, star witness laban sa magkapatid na Dominguez na itinuturong lider ng carjacking syndicate.
Ginawa ni Robredo ang direktiba sa kabila na pina bulaanan na ni Arsenio “Boy” Evangelista na may idinawit siyang heneral sa kaso ng pagpatay kay Mendiola kung saan nadamay sa insidente ang dalawang iba pa.
Si Arsenio ang ama ng car dealer na si Venson Evangelista na dinukot umano ng Dominguez carjacking gang matapos na i-test drive ang ibinebanta nitong sasakyan sa Cubao, Quezon City at natagpuang sinunog ang bangkay na may tama ng bala sa ulo sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Enero 2011.
Ang bangkay ni Men diola, ng umano’y lover nitong si Mark Angelo Heredia, 27; at Eriberto Jumaquio, 53, ay natagpuan noong Linggo sa Sta. Lucia compound , NIA Brgy. Salawag, Dasmariñas, Cavite na pawang may tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo, nakagapos ang buong katawan at binusalan ng masking tape sa bibig.
Ikinatwiran naman ni Robredo na kailangan ding maimbestigahang mabuti para mabatid kung may katotohanan ang ulat.
Kamakalawa ay ibi nulgar ni Evangelista na ilang araw bago pinaslang si Mendiola, alyas Bading ay nag-text pa ito sa kanya at sinabing kumikilos na ang ‘men in uniform’ kaugnay ng pagtestigo niya laban sa magkapatid na Raymond at Roger Dominguez.