^

Metro

Heneral sa Mendiola killing, pinabubusisi ng DILG

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ipinag-utos na kahapon ni Interior and Local Govern ment Secretary Jesse Rob redo sa PNP ang napaulat na may isa umanong he neral ng pulisya ang sinasabing sangkot at posibleng nag-utos sa pagpatay kay Alfred Mendiola, star witness laban sa magkapatid na Dominguez na itinuturong lider ng carjacking syndicate.

Ginawa ni Robredo ang direktiba sa kabila na pina bulaanan na ni Arsenio “Boy”  Evangelista na may idinawit siyang heneral sa kaso ng pagpatay kay Mendiola kung saan nadamay sa insidente ang dalawang iba pa.

Si Arsenio ang ama ng car dealer na si Venson Evangelista na dinukot umano ng Dominguez carjacking gang matapos na i-test drive ang ibinebanta nitong sasakyan sa Cubao, Quezon City at  natagpuang sinunog ang bangkay na may tama ng bala sa ulo sa  Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Enero 2011.

Ang bangkay ni Men diola, ng umano’y lover nitong si Mark Angelo Heredia, 27; at Eriberto Jumaquio, 53, ay natagpuan noong Linggo sa Sta. Lucia compound , NIA  Brgy. Salawag, Dasmariñas, Cavite na pawang may tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo, nakagapos ang buong katawan at binusalan ng masking tape sa bibig.

Ikinatwiran naman ni Robredo na kailangan ding maimbestigahang mabuti para mabatid kung may katotohanan ang ulat.

Kamakalawa ay ibi nulgar ni Evangelista na ilang araw bago pinaslang si  Mendiola, alyas Bading ay nag-text pa ito sa kanya at sinabing kumikilos na ang ‘men in uniform’ kaugnay ng pagtestigo niya laban sa magkapatid na Raymond at Roger Dominguez.

vuukle comment

ALFRED MENDIOLA

CABANATUAN CITY

DOMINGUEZ

ERIBERTO JUMAQUIO

EVANGELISTA

MARK ANGELO HEREDIA

MENDIOLA

NUEVA ECIJA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with