Misis dinedo ng mister

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang misis ng kanyang mister, habang malubha namang nasugatan ang isa nilang kalugar na umawat lamang sa pag-aaway ng mag-asawa kama­kalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Roselyn Barnido, 38, ng Phase 3, Brgy. Longos ng nabanggit na lungsod.

Inoobserbahan naman sa nasabing ospital sanhi ng saksak sa braso at likod ang isa pang biktima na si Edgardo Garcia, 39, nakatira sa nabanggit na lugar.

Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na si Vicente Barnido, 50.

Sa imbestigasyon ng Station Investigation Division (SID), Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:30 habang naglalakad si Garcia ay nakita nito na sinasaksak ng suspek na si Vicente ang misis na si Roselyn.

Tinangka ni Garcia na umawat na ikinagalit naman ng suspek kaya siya ang pinagbalingang saksakin.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspect habang agad namang dinala sa ospital ang mga biktima ngunit si Roselyn ay hindi na umabot pang buhay.   Inaalam pa ng pulisya at motibo ng suspek sa ginawa nitong pagpatay sa sariling misis.

Show comments