BOC vs smuggling doble-higpit
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na dodoblehin nila ang kanilang monitoring at pag babantay upang maiwasan ang smuggling ng karne na kinasasangkutan umano ng mga opisyal ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Ang paniniyak ay ginawa ng BOC matapos na sisihin ng mga local hog raisers ang kawanihan sa kanilang pagkalugi bunga ng lumalalang pork smuggling sa bansa.
Ayon sa BOC hindi sila nagkulang sa kanilang kampanya laban sa pagbabantay ng mga karneng galing sa labas ng bansa dahil ang tunay umanong sanhi ng paglaganap ng imported na karne ay ang ilang tiwaling opisyal at kawani ng BAI.
Ang BAI ang nagbibigay ng permit sa importers na nagpapasok ng karne kaya nakasalalay sa kamay ng BAI ang buhay ng importers at hindi sa BOC.
Titingnan lamang ng BOC kung tama o naaayon sa nilalaman ng permit (mula BAI) ang pinapasok na karne ng importers sa pamamagitan ng kanilang broker kung ang laman ng permit ay fats (taba) o laman loob (atay, puso, bituka), balat, lang ng baboy o baka, kinakailangan ay talagang ito lang ang ipapasok at walang halong karne (laman), subalit nakakalusot.
Kalakaran na lamang umano na taba, laman loob at balat ang pinalalagay ng importer sa permit dahil sa mas mababa ang babayarang buwis para dito kumpara sa laman. Ang buwis kasi para sa taba, laman loob at balat ay tatlong porsiyento lang habang sa laman ay 30 porsiyento ng halaga ng ipapasok na produkto.
Katunayan, marami ng container na may lamang tone-toneladang imported meat products ang hinarang ng BOC dahil sa kuwestiyunable ang mga dokumento nito.
- Latest
- Trending