^

Metro

Turista target ng 'Batang-hamog'

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patuloy ang pambibiktima ng mga Batang hamog sa Malate-Ermita area sa Maynila kung saan madalas na biktima ang mga turista.

Kahapon ng umaga ay nagsampa ng reklamo kay SPO1 Jonathan Bautista, ng MPD-Ge­neral Assignment Section, ang pinakahuling biktima ng mga Batang hamog na si Chan Woo, 18, Korean, tubong Seoul, South Korea at nanunuluyan sa Roces, Ave., Quezon City.

Ayon kay Bautista, naganap umano ang insidente dakong alas 2:30 ng madaling araw sa Adriatico, Malate, Maynila habang naglalakad ang biktima kasama ang dalawang kaibigan.

Sinabi ng biktima na sinalubong siya ng tatlong bata na nasa edad 10-12 anyos, pinagka­guluhan at kinuha ang kanyang atensiyon.

Huli na ng malaman ng biktima na nadukot na ang kanyang Galaxy 2 Samsung na nagka­kahalaga ng P20,000. Isa umano sa mga batang hamog ang huma­wak pa sa braso ng biktima at pilit na nanghi­hingi ng pera.  

ADRIATICO

ASSIGNMENT SECTION

AYON

BATANG

BAUTISTA

CHAN WOO

JONATHAN BAUTISTA

MAYNILA

QUEZON CITY

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with