Kalinisan sagot sa lamok na may dengue - QC Health
MANILA, Philippines - Niliwanag ng QC health department na tanging ang kalinisan lamang sa kapaligiran ang tanging susi para hindi sumibol ang sakit na dengue sa alinmang lugar sa lungsod.
Ito ang sinabi ni Dra. Antonieta Enumerable, city health officer kaugnay ng ulat na hindi lamang sa araw umaatake ang lamok (Aedes Aegypti) na may dalang sakit na dengue kundi maging sa gabi
Binigyan-diin ni Enumerable na nasa tao din naman anya kung magkakaroon ng sakit na dengue sa isang lugar dahil kung marumi ang isang lugar, hindi lamang sakit na dengue ang maaaring umusbong kundi pati na rin ang iba pang uri ng sakit.
Muli pinaalalahanan ni Enumerable ang publiko na ugaliing linisin ang mga daluyan ng tubig, iwasan ang mga de boteng plorera, alisin ang mga lata at mga bote na di na ginagamit, ipunan ng tubig sa ilalim ng refrigerator at sa ilalim ng lalagyan ng mga pinggan.
Batay sa ulat ng DOH, noong 2011, aabot sa mahigit 110,000 ang naiulat na kaso ng dengue sa bansa. Sa QC 68 katao ang namatay sa dengue mula sa 8,431 dengue cases sa lunsod.
- Latest
- Trending



















