^

Metro

2 pang Bistekville, itatayo

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Dalawa pang socialized housing project ang itatayo ng QC government para sa mga  pamilyang informal settler  sa lungsod.

Una nang ipinagawa ni QC Mayor Herbert Bautista ang socialized housing sa Bistekville I sa Brgy. Payatas at Bistekville II sa  Brgy. Kaligayahan.

Sa ilalim ng pro-poor housing program ni   Bautista, itatayo ang mga pabahay para sa mga mahihirap na taga-QC upang mabigyan ang mga ito ng disenteng bahay at maayos na buhay.

Kaugnay nito, sinabi ni   Secretary to the Mayor and Housing Task Force chairman Tadeo Palma na ang  Bistekville III at Bistekville IV projects ay  hinahanapan na ng tamang lugar para mapasimulan ang naturang proyekto. Posibleng ang  Bistekville III  ay itayo sa  Barangay Escopa  habang ang Bistekville IV ay sa  Barangay Culiat.

Bukod sa naturang mga socialized housing, plano din ng lokal na pamahalaan na magtayo ng housing units sa Cubao na uupahan ng mga public school teachers  ng QC sa murang halaga.

Ang proyektong ito ay sa ilalim ng  Housing and Urban Renewal Authority, Inc. (HURA) ng lungsod sa may  2,000 square meters na lote sa  Kalantiaw St., Project 4, QC.

BARANGAY CULIAT

BARANGAY ESCOPA

BISTEKVILLE

BISTEKVILLE I

BRGY

HOUSING

HOUSING AND URBAN RENEWAL AUTHORITY

KALANTIAW ST.

MAYOR AND HOUSING TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with