^

Metro

2 Intsik huli sa pagbebenta ng shabu

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang Chinese nationals makaraang masakote sa isang buy-bust operation sa loob ng isang restoran sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

 Inisyal na nakilala ang mga nadakip na sina Qingjian Shi at isang nagpakilalang Benson Chua. Nakum­piska sa mga ito ang 400 gramo­ ng hinihinalang me­tham­phetamine hydrochloride o shabu at P1.5 milyong halaga ng marked money.

 Ayon kay Sr. Supt. Virgilio Santiago, hepe ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group ng Eastern Police District, matagal na nilang isinasailalim sa surveillance ang mga suspectkung saan isang asset nila ang nagawang makontak ang mga ito at makipagkasundo na bibili ng shabu.

Nagkita ang mga suspect at police asset sa isang restoran sa Pasig City dakong alas-8 kamakalawa ng gabi kung saan dinakma ang dalawang Tsino matapos na matanggap ang marked money.

 Tikom naman ang bibig ng dalawang naaresto na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakaditine sa EPD Detention Cell.

Naniniwala naman si Santiago na may mas malalaki pang ulo ang sindikatong kinabibilangan ng dalawang suspect na nag-ooperate sa Metro Manila na target nila ngayong maaresto. Isasailalim pa sa masusing interogasyon ang mga suspek sa pag-asang maka­kuha ng impormas­yon sa operasyon ng kanilang grupo.

BENSON CHUA

DETENTION CELL

DRUGS ACT

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

EASTERN POLICE DISTRICT

METRO MANILA

PASIG CITY

QINGJIAN SHI

REPUBLIC ACT

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with