^

Metro

2 katao nagbigti sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sobrang depresyon at karamdaman ang nagtulak sa dalawang lalaki upang wakasan ang kanilang buhay sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City kahapon ng umaga.

Nagkape muna bago tuluyang nakitang bangkay si Leonito Bulalacao, 41, welder, makaraang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili gamit ang nylon cord sa loob ng kanyang bahay sa #4 Bakas Compound, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City ganap na alas-6 ng umaga.

Ayon kay SPO1 Jaime Jimena­, natuklasan ni Zo­simo, nakababatang kapatid ng biktima ang bangkay nang gagamit ito ng banyo. Itinali ng biktima ang nylon cord sa kisame habang nakabitin naman­ ang leeg.

May ilang taon nang hiwalay sa kanyang asawa ang biktima kung saan nagkaroon sila ng isang anak.

Samantala, hindi naka­yanang sakit na nararanasan   naman ang nakikitang motibo ng pagpapakamatay ng isang 30-anyos na lalaki sa Brgy. Vasra, Quezon City.

Ayon kay PO3 Jonathan Bustarde, ang bangkay ni Fidel Estanislao ng #10 Pa­yatas A, Brgy. Vasra, ay nadiskubre ni Francia Estanislao  habang nakasabit sa loob ng bahay gamit ang oxygen hose na itinali sa bubong.

AYON

BAGONG SILANGAN

BAKAS COMPOUND

BRGY

FIDEL ESTANISLAO

FRANCIA ESTANISLAO

JAIME JIMENA

JONATHAN BUSTARDE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with