^

Metro

4 Makati police sinampahan ng murder

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong murder ng mga kapamilya ng dalawang nasa­wing fire volunteers ang apat na tauhan ng Makati City Police makaraang lumabas sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) at National Capital Regional Police Office (NCRPO) na nagkamali ang mga ito sa kanilang pamamaril.

Sa loob ng isang buwan sa isinagawang imbestigasyon ng NBI-NCRPO, lumitaw na may pananagutan sina PO2 Elmandy Arconado, P02 Carmelo Tuazon, P03 Christopher Abelada at SPO1 Raul Tamarion na pawang nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 3 ng Makati City Police ukol sa pagkakapaslang kina Ronald Infante at Gerry Alamon noong Abril 1.

Nabatid na malaki ang pagkakaiba ng pahayag ng mga pulis sa nilalaman ng Closed Circuit Television (CCTV) camera na nakaposisyon sa lugar ng pamama­ril sa may General Lucuna St. malapit sa South Super­highway, Makati City.

Gayunman, nagpahayag ang apat na handa nilang harapin ang kasong isinampa ng NBI sa kanila.  Una nang ikinatwiran ng mga rumespondeng pulis na naharang na umano nila ang dalawang hinahabol na riding-in-tandem na nagtangkang mambiktima sa isang remittance delivery van at bumunot pa ng baril nang kanilang masukol ang mga ito.

Subalit sa kuha ng CCTV na hawak ng NBI, kitang-kita na may hinahabol na riding in tandem ang mga pulis at bigla na lamang tumumba ang motor lulan ang dalawang  fire volunteer at nakitang buhay pa ang mga ito.  Lumapit pa ang mga pulis at ilang naka-sibilyan at nakitang ginalaw ang katawan ng mga biktima.

Natuklasan naman na hindi mga holdaper ang dalawang nasawi kung saan si Infante ay founder ng isang fire brigade sa Makati City na siyang nangunguna sa pag­responde kapag may sunog.  Sumiklab ang  kaguluhan sa Makati City Police at sa Makati City Hall nang magsagawa ng demonstrasyon ang mga miyembro ng naturang fire brigade sa kanilang panawagan para sa katarungan sa dalawang biktima.

Naniniwala naman ang pamilya ng mga biktima na mistaken identity ang nangyari at ngayon nasampahan na ng kaso ang mga pulis ay unti-unti nang nagkakaroon ng hustiya sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.

CARMELO TUAZON

CHRISTOPHER ABELADA

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

ELMANDY ARCONADO

GENERAL LUCUNA ST.

GERRY ALAMON

MAKATI CITY

MAKATI CITY HALL

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with