^

Metro

Naningil ng pautang, inutas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bala ang ibinayad ng isang tri­cycle driver sa isang 42-anyos na lalaki na naningil lamang ng pautang na P200 sa San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Abelardo Viray Jr., ng #2186 Topacio St., San  Andres Bukid na nagtamo ng bala sa kanang bahagi ng katawan mula sa sumpak ng suspect na si Marvin Lagbunan, 42, miyembro ng Bahala na Gang,  at residente ng #2171 Crisolita St., San  Andres Bukid.

Nabatid na agad namang na­dakip ng mga barangay tanod at ilang opisyal ng Barangay 797 Zone 87  ang suspect na isinuko sa MPD-Homicide  Section.

Naganap ang insidente dakong alas-12:20 ng madaling-araw nang puntahan ng biktima ang suspect  sa bahay nito at hiningi ang P200 na ipina­dala ng isang alyas “Lily”.

Dinatnan ng biktima ang suspect na nakikipag-inuman kung kaya’t hiningi ng una sa huli ang P200 subalit sumagot lamang ang suspect na naibili na niya ng beer.

Nauwi sa mainitang pagta­talo ang paniningil hanggang sa suntukin­ umano sa mukha ng bik­tima ang suspect kaya’t kinuha naman­ ng huli ang sumpak at ipinutok sa biktima.

vuukle comment

ABELARDO VIRAY JR.

ANA HOSPITAL

ANDRES BUKID

BAHALA

CRISOLITA ST.

MARVIN LAGBUNAN

SAN ANDRES BUKID

SHY

TOPACIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with