Manager ng kompanya itinumba

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 40-anyos na manager ng pribadong kompanya matapos ratratin ng dalawang kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Deovix N. Espino, may-ari at manager ng Vixtel Marketing and Services at naninirahan sa Blk 5, Lot 3 Phase 2 Forest Side Villas Subdivision, Central Avenue, Quezon City.

Ayon kay SPO4 Juan Mortel, nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanyang bahay kasama ang dalawang kaibigang sina Micahel Correa at Alejandro Aya-Ay nang pasukin at ratratin. Napuruhan sa ulo at balikat ang biktima.

Bago maganap ang krimen, isang babae ang dumating at kinausap ng biktima kung saan ihinatid pa ito palabas matapos ang usapan habang narekober sa crime scene ang limang basyo ng cal. 45 pistol.

Show comments