^

Metro

Mag-amo bulagta sa tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang 68-anyos na negos­yante ang iniulat na napatay matapos pagbabarilin ng apat na lalaking lulan ng dalawang motorsiklo sa panulukan ng San Miguel at San Juan Bautista Street sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni SPO1 Joselito Gagaza ang mga biktima na sina Raniel Dela Peña, 19, delivery boy, ng #208 San Juan Bautista Street, Barangay Payatas A; at Felix Abay, negosyante, ng San Juan Bautista Street, Barangay Payatas A sa nasabing lungsod.

Lumilitaw sa imbestigasyon na inutusan si Dela Peña na sunduin sa lamay ang kanyang among si Abay dahil may gulong nagaganap sa kanilang lugar.

Habang pauwi ang mag-amo ay hinarang sila ng dalawang motorsiklo kung saan sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawgaw sa harap ng Sherly Store sa nasabing lugar.

Kaagad na namatay si Dela Peña habang si Abay naman ay naisugod pa sa East Avenue Medical Center subalit idineklara itong patay.

Narekober sa crime scene ang 12 basyo ng bala ng cal. 9mm at 7 basyo ng bala ng cal.45 pistol. (Chiles Delos Reyes-trainee)

vuukle comment

BARANGAY PAYATAS A

CHILES DELOS REYES

DELA PE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FELIX ABAY

JOSELITO GAGAZA

QUEZON CITY

RANIEL DELA PE

SAN JUAN BAUTISTA STREET

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with