^

Metro

Beauty salon hinoldap

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Hindi na rin nakaligtas ang mga kawani at ilang kliyente ng beauty salon makaraang holdapin ng dalawang armadong kalalakihan kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Sa ulat na ipinadala ng Southern Police District, dakong alas-12:55 ng hapon nang pasukin ng dalawang holdaper ang David’s Salon sa ikalawang palapag ng Road Star Building sa panulukan ng Sampaloc at Estrella Street sa Brgy. San Antonio.

Agad na tinutukan ng mga holdaper ang mga kawani kabilang na ang manager na si Joibelle Gario at ilang kustomer ng salon kung saan natangay ang P3,200.

Inaalam naman ng pulisya kung may closed circuit television camera (CCTV) ang naturang establisim­yento na maa­aring magbigay-daan upang makilala ang dalawang holdaper.

vuukle comment

BRGY

DALAWANG

ESTRELLA STREET

HOLDAPER

INAALAM

JOIBELLE GARIO

MAKATI CITY

ROAD STAR BUILDING

SAN ANTONIO

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with